Mahiya kaya ang mga walang hiya? (Aired July 30, 2025)
Manage episode 497616809 series 2934045
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sa loob ng 15 taon, ang DPWH ay gumasta na ng humigit kumulang dalawang trilyong piso para sa flood management program, na katumbas ng P350 milyon na araw-araw na paggasta para ayusin ang problema sa pagbabaha. Pero bakit nga ba patuloy tayong binabaha kung palaki naman nang palaki ang perang inilalaan ng gobyerno para ayusin ang problema sa baha?
Sa pinakahuling SONA ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., kinastigo niya ang nagsasabwatang mga opisyal ng gobyerno pati mga kontratista na ginagawang raket ang flood control projects para makakuha ng kickback at SOP.
Sambit ng Pangulong Marcos: "Mahiya naman kayo!" Nangako rin siya na isasapubliko ang listahan ng palpak na flood control projects pati mga ghost project, at makakasuhan ang lahat ng mga may sala.
Matupad kaya ang panibagong pangako ng Pangulo? Tumalab kaya ang mga patama niya? Mahiya naman kaya ang mga walang hiya? Think about it.
190 episodes