‘May aamin kaya sa mga walang hiya?’ (Aired August 13, 2025)
Manage episode 499932473 series 2934045
Bilang pagtupad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang binitawang pangako sa SONA noong July 28 na susuriin at ilalabas ang listahan ng lahat ng flood control projects sa panahon ng kanyang panunungkulan, inilunsad ang 'Sumbong sa Pangulo' website noong August 11.
Nagbigay rin ng ulat ang Pangulo ng mga paunang resulta ng ginawa nilang pag-aaral tungkol sa flood control projects ng DPWH. Ilan sa mga impormasyong ibinahagi ng Pangulo ay ang kabuuang halaga ng flood control projects sa buong bansa mula 2022 hanggang 2025 na aabot sa P545.64 bilyon, kung saan dalawampung porsyento rito ay pinaghatian lamang ng labing-limang contractor.
Nabanggit din ng Pangulo ang mga impormasyon na nakapagbibigay ng duda kagaya ng pare-parehong halaga ng kontrata pero iba-iba ang lugar, maging ang mga probinsya na may napakaraming flood control projects subalit wala naman sa listahan ng mga lalawigan na may malaking suliranin sa pagbabaha.
Higit sa 'Sumbong sa Pangulo' website, ang inaabangan ng mga mamamayan ay kung may mapapanagot at maipapakulong na mga kontratista at taong gobyerno na nagsasabwatan sa pagnanakaw ng pera ng bayan. Totoo kayang may mapaparusahan o magpapatuloy lang sa masigabong palakpakan ang mga walang hiya na sangkot sa katiwalian? Think about it.
190 episodes